Tunggalian

raven-drawing

I.

“Alam mo ba ang pakiramdam ng maging isang diyos, Lieutenant?”

Sa haba ng kanyang paninilbihan, marami nang nakaharap na mamamatay-tao si Lt. Charles Medalla. Hindi na kinekuwestiyon ng mga nasasakupan niya kung bakit ganoon na lang kadilim ang ilalim ng mga mata niya. Ang mga linya sa kanyang noo ay anak ng mga gabi ng pagkokonekta ng mga ebidensyang hindi nagtutugma-tugma. Ang kanyang mga labi na makapal at maputla na’y miminsan lamang makadampi sa labi ng iba. Sa halip, bihasa ang mga labi niya sa mga panayam sa kung kailan mahuhuli si salarin A at kung kailan mabibigyan ng hustisya ang pamilya B. Pinanatili ni Lt. Medalla ang kanyang dalawang pulgadang semi-kalbo para hindi na niya kailangan pang ayusin ito tuwing magsisimula ng araw, o gabi, ng trabaho. At hindi naman niya talagang alintana kung ano man ang hitsura niya sa pagtatrabaho. Ang nalalaman niya ay kailangan niyang linisin ang mga kalsada ng Quezon City mula sa mga walang habas na dumurumi rito.

Noong makaraang linggo lang, may nasakoteng lalaki ang QCPD District 4 na tinaga ang misis niya. Nang tanungin siya kung bakit, ang tanging nasabi lang nito ay,

“Talak kasi siya nang talak.”

Isang buwan, bago yun, nahuli nila ang isang matandang lalaki na mahilig sa mga batang lalaki edad 6-8. Dinadala niya ang bawat biktima sa attic ng inuupahang unit sa 4th floor ng Bliss sa Philcoa. Doon daw sila maglalaro, sinasabi niya sa dinadalang mga binatilyo. Pagkasarang-pagkasara ng pinto, kung anu-anong kahalayan ang gagawin ng matanda. Yung huli, anak ng nagbabaksyong kamag-anak ng isang tenant sa 2nd floor. Mestisuhin yung bata, yung tipong hindi mukhang Pilipino. Meron daw lahing Aleman yung ama. Sa proseso pa lang ng pagtatanggal ng matanda ng saplot nung bata, nag-iiyak ito nang malakas. Nataranta yung matanda. Humugot ng natanggal na tabla mula sa kalansay ng kisame ng attic. Pinaghahampas sa bumbunan yung bata.

Noong buwang ding yun, kalaboso rin ang isang babae na lumason sa isang binatang kinakasama niya. Usap-usapan ang relasyon ng dalawa sa Sikatuna. Pitong taon ang tanda ng babae sa binata. Lahat daw ng kailangan ng nahuli ay binibigay ng nauna. Yung bayad, sa kama. Maingay daw yung babae. Marami ang hindi nakatutulog nang maayos sa gabi. Hindi raw makatiis ang babae dahil ayon dito, kamukhang kamukha raw nung binata si Coco Martin. Sinasangayunan ito ng marami sa mga kapit-bahay nila. Isang araw, nahuli daw nung babae na nakikipag-text si Coco Martin sa isang dalagang kababata. Nung kinahapunan, naghalo daw yung babae ng lason sa daga sa iniinom na Serious Mass ni Coco pagkatapos nitong mag-work-out.

Nang basahan na ng mga karapatan yung babae sa interrogation room, humagulgol ito. Sa pagitan ng mga paghikbi, nasabi ng babae na,

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s