Sinta, Huwag Mong Ididilat Ang Mga Mata Mo

Ipinipikit ko ang mga mata ko

para ipahinga ang mahahabang kong pagpapakahulugan.
Maya’t maya’y nasa ilalim ako ng kadiliman
ng isang karagatang walang pangalan
kaulayaw ang mga isda na ang mga pangala’y kasing tanda
ng mga giyerang matagal nang kinabiguan ng matapang kong angkan.

Aahon ako
at sasampa sa isang islang kinatatamnan ng isang puno
na nagbubunga ng mga babaeng nakasabit patiwarik.

Mula roon, marahan kitang pipitasin.
Habang ika’y nahihimbing pa mula sa pagtulog
na ‘di mo malaman kung kailang nagsimula, ilalapag kita
sa lilim ng puno; hahalikan kita nang paulit-ulit.
Lalaruin ng dila ko ang sa iyo
at hahayaan itong tuntunin ang bawat pulgada ng balat mo
hanggang dibdib, hanggang sa iyong kaselanan
na kinatatutubuan na ng samu’t saring matitinik na halamang
gagapang sa katawan
ko’t tutusukin ang bawat dimensyon ng aking pagkalalaki
na walang maliw at walang pakundangan.

Pagnanasa ko ang iyong kawalang-malay
na nagpapaubaya sa aking panghihimasok.

O sinta, huwag mong ididilat ang mga mata mo
at baka maglaho itong pag-ibig ko sa ‘yo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s